Isang Tula na may 12 Pantig

Halimbawa ng Tulang may Labindalawang (12) Pantig

"Laging isaisip kung paano makatutulong sa kapwa nilalang – iyan ang isinulat niya sa tagalog na tula na siyang mga habilin ng kanyang ama noong siya ay bata pa."

ama at anak
Ang Habilin ni Ama
Ang Habilin ni Ama
ni: Avon Adarna

Pumipintig lagi sa aking unawa,
Ang habilin ninyo sa aking gunita,
Hindi mahalaga itong gantimpala,
Higit na mainam - itong ating kapwa.

“Ikilos ang lingap, igawa ang kamay,
Sa unos at bagyo’y sumagip ng buhay
H’wag alalahanin ang premyo at alay,
Na matatamasa sa iyong pagdamay.

Yakapin ang kapwa sa pamamagitan,
Ng bukas na palad ng pagtutulungan,
Itong mga taong nangangailangan,
Sagipin sa luha, kusang saklolohan.

Laging isaisip na makabubuti,
Ang magsilbing lugod sa nakararami,
Magbigay ng sinag kahit pa nga munti,
Mas mainam kaysa sa yamang malaki!

Ang ngiti’t halakhak sa dibdib at puso,
Ihain sa ibang may luhang bumugso,
Tiyak magagalak ang Langit at Berbo,
Paglalaanan ka nitong paraiso.

Ang kasaganaan malunod man ngayon,
Umasa ka pa ring may dahil ang gayon,
Di man makalangoy sa imbay ng alon,
Makakamit pa rin sa huling panahon!

Kaya nga piliting umiba ng landas,
Itong mga kamay, gagapin ang palad,
Akayin mo sila sa langit ng pantas,
Upang malasahan ang tamis ng katas!

Maging alipin kang pinakamababa
Ng ating dakilang Poon at Bathala
Tangi mong ibigin na maisagawa
Aymaging tulayan sa anumang hidwa!”

-mga tagalog na tula

Depinisyon ng mga Salita

1. matatamasa – mapapakinabangan, mabuting makuha

Halimbawa:
Ang ginhawa’y matatamasa mo sa dapithapon ng iyong buhay kung ikaw ay nagsusunog ng kilay habang ikaw ay malakas pa.

2. imbay – sayaw ng alon, galaw ng isang bagay, antas ng ritmo ng isang tula.

Halimbawa:
Gustong-gustong pagmasdan ni Pepe ang imbay ng buhok ni Pilar habang tinatangay ng hangin sa taas ng burol.
Magandang basahin ang tulang tagalog na may imbay sa bawat taludtod.

Related Search:

• sukat at tugma tula tagalog
• 12 pantig sa bawat taludtod
• tagalog na tula may sukat
• tula na nagbibilin
• habilin na tula
• mga aral ng ama
• poems with 12 syllables

Iba pang Tagalog na Tula:

• Balik sa Simula - Tagalog Anadiplosis
• Ang Tunay na Sakit - Tula Tungkol sa Pagkasira ng Kalikasan

1 comment:

  1. Ang Aking Guro, Aking Bayani!

    Paggising sa umaga,
    Diwa’y inaantok pa
    Ngunit tayo’y papasok na
    Papasok na sa eskwela

    Simula pagkabata hanggang sa pagtanda
    Kayo ay tumayong pangalawang ama o ina
    Nariyan para gumabay at mag-aruga,
    Pasasalamat lamang ay nararapat itakda.

    Sa aking paglaki…
    Di iniisip mga pagkakamali,
    Ngunit ngiti lamang syang sinukli,
    At mga payong sa lungkot ay humahawi.

    Kayo ay laging kaalalay,
    Nagbibigay kulay sa aking buhay,
    Sya ring karamay sa kabiguan at lumbay
    Ikaw na nga guro,susi sa aming tagumpay.

    Kaya’t ako ay nagpapasalamat sa inyo
    Mga minamahal at ginigiliw na guro ko
    Walang pag-aalinlangang ipapakita ko
    Ikaw aking guro bayani ng buhay ko!

    ReplyDelete

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Followers

Mabuhay! Welcome to "Mga Tagalog na Tula sa Pilipinas | Filipino Poems in the Philippines! Here in this blog, you will find a collection of original tagalog poems. Please, feel free to browse at our archive. Thank you! -avonadarna

Blog Archive