Ang Teknolohiya at ang Wikang Filipino

Halimbawa ng Tula Tungkol sa Wika

"Ano ang epekto ng teknolohiya sa Wikang Filipino?"


Ang Teknolohiya at ang Wika
ni: Avon Adarna

Pinagkaitan nga ng mga patinig,
Mga pangungusap – kulang sa katinig,
At kung babasahin sa tunay na tinig,
Ay mababanaag ang kulang na titik!

Sa sulating pormal at mga sanaysay,
Ano’ng pakinabang kung putol at sablay,
Kulang na ang letra’y mali pa ang baybay,
Ang akala yata’y lubhang mahinusay.

Sa paglalahad ng totoong damdamin,
Hindi ba nagkulang sa ibig sabihin?
Sa pagsusulit ba at mga eksamin,
Makapasa kaya kung letra’y kulangin?

Mundong makabago at teknolohiya,
Anong naidulot sa ating pag-asa?
Kabataang dugong mag-aahon sana,
Tila katunggali ng sariling wika.

Ngayo’y nagtatampo – Wikang Filipino
Sa wari’y nasunog ang tunay na mundo,
Ang wika na dapat ay isinasaulo,
Ay lubhang nalimot at nagkalitu-lito!

-mga tagalog na tula

Kahulugan ng Malalalim na Salita

mababanaag – makikita, masisilayan, mababakat

Halimbawa:
Mababanaag na siya ay kinakabahan sa pagsali sa pagbigkas ng tula sa Buwan ng Wika.

baybay – spelling sa wikang English, tamang puwesto ng mga titik ng isang salita.

Halimbawa:
Nag-uwi ng medalya ang batang nanalo sa timpalak ng pagbaybay.
Ang tamang baybay ng “aqu” sa text ng bata ay “ako”.

Related Search:
• tulang may sukat at tugma
• tulang tagalog na tungkol sa kabataan
• tagalog na tula tungkol sa wika
• Wikang Tagalog o Wikang Filipino
• tulang sukat

Iba pang Tula:

Example ng Tula na May Sukat at Tugma
Filipino Poems
Tula Tungkol sa Teknolohiya

0 Post a Comment:

Post a Comment

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Followers

Mabuhay! Welcome to "Mga Tagalog na Tula sa Pilipinas | Filipino Poems in the Philippines! Here in this blog, you will find a collection of original tagalog poems. Please, feel free to browse at our archive. Thank you! -avonadarna

Blog Archive