Dakila pa rin ba ang mga guro kung sila'y nangibang-bayan na?
Ang Ating mga Guro ay mga Bayani |
ni: Avon Adarna
Sino ang nagtinda
Ng tocino’t longganisa?
Ng kendi at yema?
Ng panty at bra?
Ng Avon at Natasha?
Sino ang naglako,
Ng (libre sanang) test paper?
Ng long at short folder?
Ng mga bala ng stapler?
Ng mineral water?
Sino ang nagbenta,
Ng kanilang dignidad?
At lumisan kaagad?
Sa ibang siyudad lumipad?
Naging aliping hubad?
Upang maipandagdag
Sa sweldong salat na salat
Na tinanggap buhat
sa gobyernong bundat?
Upang maidugtong sa pisi
Na kapos lagi-lagi,
Dahil kulang ang salapi
Sa pamilyang kinakandili.
Upang muling maiguhit,
Ang kapalaran at daigdig,
Na tila ipinagkait
Ng mga lintang ganid!
-mga tagalog na tula
Kahulugan ng mga Salita
bundat – malaki na ang tiyan dahil sa kabusugan
Halimbawa:
Walang tigil ang paglamon ni Miguel kahit siya ay bundat na.
Related Search:
• tulang tagalog malayang taludturan
• tagalog free verse
• may tugma ngunit walang sukat
Iba pang Tula:
• Isang Malayang Taludturan
magandang tula, salamat sa kaisipang ito,
ReplyDeletesila ay guro pa ring nagsilbi sa bayan bago pa man nangibang bayan.
ReplyDeleteKaya sila'y bayani... noon at ngayon.
Deletepano mo matatawag na guro? kung hindi nagsilbi muna sa sariling bayan ang isang guro, bago nangibang bayan.
ReplyDelete