Submitted Filipino Poem: Buhay Saan ka Patungo

Halimbawa ng Tulang Tagalog na Tungkol sa Buhay ng Tao

Buhay nga ba natin ay saan patungo?

kalsada ng buhay
Saan Patungo?

Buhay, Saan ka Patungo?
ni: Julyhet Roque

Tao ba’y nilikha upang parusahan?
Nang mga taong angat ng konting karunungan,
Kung kaya’t pati Diyos ay nais pangunahan
At paglikha ng buhay ay nais pakialaman.

Tao gumising sa pagkakatulog,,
Harapin ang buhay at huwag mabagot.
Hanapin ang sagot sa problemang sangkot
Hingin at yakapin ang gabay ng Diyos.

Buhay nga ba natin ay saan patungo?
Pabagu-bago at ang gulo gulo.
At kung minsan talagang nakalilito
Kapag di nakaya ng ulirat nito, tao’y nauuwi sa pagkaluko-luko.

Diyos ko ang gabay mo lagi sana’y hingin
Nang sinumang taong ang tanging layunin
Mapaunlad ang buhay na angkin
Makapaglingkod din sa kapwang ginigiliw.

Masarap daw magbigay lalo’t nasasaktan
Ang bulsa ng pobreng sa yaman din ay salat.
Anumang biyaya ang ating matanggap
Ibahagi nati’t sa iba’y ikalat.

Mga kalamidad ngayo’y dumarating
Lalong lumalala at nakakakitil
Lalo’t hindi handa itong aping alipin
Tiyak mawawala pati buhay na angkin.

Anuman , saan man tayo patutungo?
Alalahanin natin na may Diyos tayo…
Handa laging tumulong at ika’y itayo
Sa lugmok na buhay na tinataglay mo.

Submitted Filipino Poem: Buhay, Saan ka Patungo ni Julyhet Roque

0 Post a Comment:

Post a Comment

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Pages