Tula Tungkol sa Buhay

Halimbawa ng Tradisyunal na Tula sa Tagalog

Ang buhay ay batbat ng mga masasamang elemento. Survival of the fittest, ‘ika nga. Kapag mahina ka, kawawa ka.

Mabangis ang buhay sa mga mahihina.

Sa Pakikibaka
ni: Avon Adarna

Kinagat ng ipis si Indong Lasenggo
Namaga’t namukol sa tuktok ng nguso,
Ang salaring ipis: lumipad-dumapo,
Sa gilid ng manok ang hantong na dako.

Agad na tinuka ng manok na tandang,
Ang ipis – nagwakas sa kalam na tiyan,
At tumingala pa sa langit-langitan,
Na wari’y sumamba sa Kapangyarihan.

Ang tandang na manok, nagkisap ang mata,
Sinila ng kuko ng isang agila,
Ang habag na tandang ay naging pansigla
Sa mga inakay sa pugad sa sanga.

Kamalas-malasan ng ibong maliit,
Nabali ang sanga’t nahulog ang bagwis*,
Sa harap ng asong hayok at malupit ,
At dagling nilapa ang leeg ng pipit.

Nang aso’y dumaan sa harap ni Indo,
Walang alinlangang ang ulo’y pinalo,
Handusay* ang asong may tagas ng dugo,
At isang iglap lang ay naging adobo.

Si Indong Lasenggo ay nakaganti na,
Sa nagpesteng ipis, kumagat sa kanya,
Sadyang itong buhay may batas na dala
Ganti-ganti lamang sa pakikibaka.

-mga tagalog na tula

Kahulugan ng mga salita:

*bagwis – pakpak, bahagi ng katawan ng ibon o insekto na ginagamit sa paglipad.

Halimbawa:
Nabali ang bagwis ng tutubing karayom nang kanyang dakmain.
Mabuti pang panatilihing nakatikom ang bagwis habang bata pa kaysa lumipad kahit hindi pa kaya.
Ang tula ay nakalilipad, ito’y nakararating sa iyo kahit na walang bagwis.

*handusay – lupasay, timbuwang, napahiga, lugapi

Halimbawa:
Nakahandusay si Tandang Simeon nang madatnan ng kanyang asawa.
Ang mga tagalog na tula ay mahahandusay na lamang ba dahil sa teknolohiya?

Maaaring basahin din ang iba pang tula:

Sila ang Aking Bayani Tula Para sa mga Guro
Ang Habilin ni AmaIsang Tula na may Labindalawang 12 Pantig

0 Post a Comment:

Post a Comment

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Pages