TULA AT ERASERHEADS | FILIPINO POEM

Tula Para sa Eraserheads
eheads
Eraserheads



Pinoy Band Eraserheads - Filipino Treasure
ni: Avon Adarna

Ang Eraserheads nga muling nagpaplano
Na ulitin itong naudlot na konsyerto,
Bitin nga sa concert lahat ng mga tao,
Si Ely Buendia sumakit ang puso!

Kahit ano pa ang gawin na paraan
Hindi na niya kaya sakit karamdaman,
Sa ospital na nakita, mga kaibigan,
Masakit ang nangyari, umiyak mga fans!

Favorite ko ang ERASERHEADS Band
Walang ibang tugtog na pumapainlanlang,
Music nila kasi’y aking nagustuhan,
May lalim ang lyrics kahit minus one!

May collection ako ng mga MP3
Lahat ng song nila’y aking itinatabi,
Pinatutugtog ko kahit na sa gabi,
Gising kapitbahay, pati na butiki.

Nai-download mo ba kanilang mga song?
Marami ang website na pwedeng magtipon
Song title ang siyang i-recall mo ngayon,
Hanapin ang FREE sa bawat station,

Inspiring talaga bawat song nila,
Ngingiti kahit nalulungkot ka,
May ligayang dulot sa bawat isa,
Download mo din sa puso ang member nila.

Si Marcus Adoro at Ely Buendia,
Raimund Marasigan, at Buddy Zabala,
Wala kang itatapon magagaling talaga,
Walang panama ang Yano, pati River Maya.

Download mo lahat wag kang magtatapon,
Mp3 at album at mga compilation,
Igawa mo ng folder na may dedication,
For sure you’ll be happy even if you’re alone.

Nariyan ang sikat na Huling El Bimbo,
Overdrive, Hard to Believe pati na Torpedo,
With A Smile, Kailan, Grounded ang GF Ko,
Maselang Bahaghari, Fruitcake at Pare Ko,

I-download mo na din Alapaap, Kailan,
Huwag Mo Nang Itanong, Magasin at Toyang,
Para sa Masa at Tuwing Umuulan,
Bogchi, Kaliwete, Ligaya, at Minsan.

Spoliarium At Maling Akala,
Sembreak, Julie Tear Yerky, Tindahan ni Aling Nena,
Pop Machine, Maskara, Palamig, Harana,
Ilan lamang sa song tiyak magaganda.

Sila’y nakilala Beatles of the Philippines,
Favorite ng adult pati lahat ng teens,
Kanta nilay nagdulot ng mga influence,
Original Pinoy Music sila nga itong the best.

Eraserhead’s songs pati mga album,
Laging patok dito, laging platinum,
Awards na marami at mga recognition,
Masasabi na sila ay sadyang mga icon.

Alay ko ang tula kong ito,
Sabihin man akong cornyng totoo,
Wala naman akong ibang iniidolo,
Eraserheads lang, una-unang sa gusto.

Ang Eraserheads ay Filipino band
Wala ngang kupas mataas na kalidad,
Huwag kang kokontra wala silang katulad,
Sa OPM industry : pinakasikat!

----

Paglalarawan: tula na tagalog, simpleng tula ng pinoy, filipino poem na may mababaw na salita.
Magpatuloy →

TULA | PAANO SUMULAT NG TULA

KATHANG ISIP NG MAKATA

Tula lang nang Tula!


Paano Sumulat ng Tula
ni: Avon Adarna

Paano sumulat ng magandang tula?
Kailangan bang ito’y may sukat at tugma?
Paano kung hindi makita ng diwa?
Ang tula bang ginawa’y mababale-wala?

Ang aral na diwa’y dapat bang taglay
Ng tulang binanggit, kailangang makulay?
O sapat na rito na parang salaysay
At tila kwento lang ng mga bagay-bagay?

Kailangan bang ito’y magsilbing aral,
Sa bawat babasa’y dapat na umiral
Kaisipang dala ng tulang pedestal,
Lalagi bang wasto sa utak ng hangal?

Sa literatura, sining, panitikan,
Ang tula na yata ang pinakamainam
Pagkat nakasalig sa imbay ng paham,
Ipinanganganak sa sinapupunan.

Diwang nasa bungo ng makatang lingkod,
Ang siyang nagtulak, sa kanya’y nagbunsod,
Upang ang tula’y tumatak sa likod
Ng bawat babasa’y hindi na malimot.

Kung ako ang siyang tatanungin,
Hindi ko na yata pakaiisipin,
Ang tula ay tula: mababaw, malalim
Ito’y isang daan upang makagising.

Tula ay pumalag tuwang kalooban
Kahit sabihin pang siya’y kabataan,
Kung buhat naman sa loob at isipan,
‘Di na dapat isipin ang kahulugan.

Nasa utak na ng nagmamay-ari,
Kung ano'ng ibig itukoy sa sinabi,
Ang tula na inukit ay alay sa sarili
Pagkat maaaring lumipad sandali.

Maisisigaw mo tinig ng hininga,
Sa tula ay hari ikaw na makata,
Lalaruin ang buwan pati mga tala
Pwedeng makasiping lahat ng artista.

Magiging daan din sa paglalakbay
Talata ng tula ay walang hanggang gabay,
Pangarap na yaman naisasabuhay
Lungkot mawawala, kahit nalulumbay.

Sa pamamagitan ng aking mga sulat,
Nailalabas ko ang pintig sa lahat,
Hindi man nga ito buting isiwalat,
Tutula’t tutula kahit maging malat.

Ang lahat ng tula mayroong layunin
Ito’y ibubunyag matapos hagurin,
Ilalapat ang tono kahit na nga bitin,
Itula mo na lang ang ibig sabihin.

Kung napipilipit dilang baluktot,
Hayaan na lamang ang pagkakalukot,
Ang nais nga lamang ay maipulupot,
Ang tula sa mundo’y ating ihandog.

Ano pang iyong itinutunganga?
Walang patlang dito ang nakatulala,
Gumawa ka, bilis, tumula nang tumula,
Huwag mong isipin ang anumang hiya!

( Isang Tula Para sa mga Makata ng Pilipinas )
Magpatuloy →

TULA NA TUNGKOL SA PAGKAKAIBIGAN

FRIENDSTER ACCOUNT ---- KAIBIGAN-GSTER?

Nagtatalo ang isip pati kalooban,
Hindi ko maisip hindi ko malaman,
Alin ang mas sikat sa mga kabataan
Sa social networking na pangkaibigan?

May Friendster na milyon itong mga member,
Sila raw ang una, maraming follower,
Hindi daw tataob sa dami ng user,
May Freindster account din kasi pati mother at father.

Ang Myspace naman, walang pagkapanis,
Sumikat na rin nga sa network na business,
Member naman nila sobra-sobra, labis-labis,
Mas marami pa daw sa butil ng mais.

Mayroong isa pa na social networking,
Facebook naman kung siya ay ituring,
Talo daw ang Friendster at pagkagaling-galing,
Wala kang masabi sa dami ng haling.

Friendly network site ang itatawag mo ,
Na ang layunin nga’y pag-isahin ang mundo,
Pwedeng makilala kahit Amerikano
Basta't may account, magiging friend kayo.

At kailangang humanap ng friendster skin:
Template at background, ibig kong sabihin,
Mag browse sa internet at tumingin-tingin,
I-paste mo ang code hanggang magkaduling-duling!

Ang Friendster account mo’y isipin mong bahay
Na dapat malinis maganda’t makulay,
Kasing ganda dapat ng lugar na Boracay,
Walang bibisita kung nakakaumay.

At sa pagpunta nga ng iyong amiga,
Friendster skin mo’y kanyang makikita,
Siya’y gaganahan sa pag-aanalisa,
At siya sigurado may comment na maganda!

Pwede ring i up-load picture na naka smile
Lahat ng picture lahat ng may style,
Sa Friendster lahat pwedeng mong ilagay
Nakanguso, nakadila pati naka peace sign!

Mag register na kung hindi pa kasali,
O log-in na kayo hanggang sa mawili,
Enter lang ang e-mail ang 'yong identity,
Password ang katapat, maaari nang maging friendly.

Pero bago ka humataw nitong invitation,
May ilang bagay kang dapat maging layon,
Kung hindi kakilala'y dapat maging baon,
Ingatan ang sarili sa lahat ng panahon!

Pagkat sa alin mang bagay na mabuti,
May dulot na sama, aking masasabi,
Kailangang pairalin ang internet safety,
Sa Friendster nagkalat may hangaring marumi.

Tuwing sa oras na may mag-aanyaya;
Eyeball daw kayo sa sulok ng Trinoma,
Isipin mong lagi sa pakikipagkita
Ang pagiging handa sa anumang sakuna.

Pagkat marami nga ang may samang balak,
Akala mo’y friendly yun pala’y talamak,
Baka kung saan, kaniya kang itulak,
Hala! Nagising kang hubo ka na’t hubad!

Dito na papasok ang matibay na pader,
Na ang friend mo pala ay Kaibigan-gster,
Pinaikot lang pala ang lahat sa Friendster,
Siya naman pala'y rapist at holdaper!

Pero sa social network na uring ganito
May ligaya din naman at saka konsuwelo
Ang tuwa at galak sa loob ng tao
Ay ang dumami pa ang mga amigo.

Marami na rin ang nagkatuluyan
Sa Friendster website ay naging magkatipan,
Nauwi sa ligawan hanggang sa kasalan
Ang Friendster ang siyang naging dahilan.

Nagbunga rin naman kanilang relasyon,
Ang naging mag-asawa ay Pinay at Hapon,
Kaya nagsilang --- “a baby was born!”
Friendsterick ang name alam n’yo na ang reason!


TAGALOG TULA SA PAGKAKAIBIGAN
Magpatuloy →

MAKABAGONG TULA ALAY SA BORACAY


Boracay Island - The Paradise Island


Boracay Island ay isang paraiso,
Tanyag sa Japanese, Chinese, Amerikano,
Pumupunta rin pati Aprikano
Hanap ay Boracay kahit mga Negro.

Sumikat ang Pinoy at ang Pilipinas
Sa tourism ay tanyag at pumapagaspas,
Pagkat ang imahe ay tila sa hiyas,
Sa krisis at hirap parang ika'y lunas!

Maimbay ang alon sa Boracay Island,
Humihintong kusa sa dulo ng white sand,
Sa gitna ng dagat, ang dalampasigan
Naukit ang lihim nitong kagandahan.

Ang bato-balani sa mga turista,
Laging nadadaig, parang hinihila,
Sila’y naaakit sa taglay mong ganda,
Parang sa dalaga, kinis porselana.

Cottages sa beach, resort na may hotel,
Sa Boracay makikita pati mga model,
Naka two-piece-bikini kahit na may muscle,
Lulubog sa ilalim suot ang snorkel.

Kung sa umaga’y kayganda mong dilag,
Ikaw na Boracay, laging naglalayag,
Sa gabi naman, ikaw batong buhay,
Hindi ka natutulog, hindi naglulubay.

May beerhouse, nightclub, saka mga disco,
Boracay ay libang na nakalalango,
Ang mga dayuhan, mga bisita mo,
Sa lalim ng gabi’y lasing sigurado.

Ang mga bugaw, may sariling diskarte
Mayro’n silang offer, hindi ka tatanggi
Mura lang ang aliw, kung nais ng lalaki
Ingat ka lang Pare, baka makuryente.

Kaya pumunta ka dito sa Boracay,
Walang pasubaling masaya ang buhay,
Ngiti sa pag-uwi lubusan mong taglay,
Kapalit ng pera mong inutang sa Bumbay!

BORACAY - PARAISONG BUHAY!
Magpatuloy →

TULA TUNGKOL SA ABORSYON



SILANG MGA WALANG DIYOS
ni: Amelia Clapiz
(tula sa tagalog na tungkol sa abortion)

Siya’y nagsimulang dugo sa balakang,
Sa simula’y walang malay,
Walang hugis, walang kulay.

Siya’y sanhi ng isang palag ng kasamaan.
Siya’y bunga ng mga kasidhian
Ng mga pag-aalab, ng mga kapusukan.

Lumangoy siya sa sinapupunan ng ina.
Nagkaroon ng buhay, umamot ng hininga,
Biniyayaan ng dakilang Bathala.

Ngunit narito na naman ang imbay ng hangal
Ang puso’y nalupig ng bigong kasal.
Sarili ang isinalang, ibinalibag ang diwang banal

Hinatulan siya sa dilim na pusikit.
Siya’y walang puwang sa daigdig,
Sa impiyerno man o sa langit.

Siya’y sinikwat, niligis inukit, ,
Winasak, dinurog, sinaklit,
Siya’y kinarit, Hindi nakakapit!

Humantong sa ilalim, doon sa kawalan!
Hindi nila siya binigyan ng kalayaan
Ipinagkait ang pintig ng damang kabutihan!

Mensahe galing sa makata: Abortion is illegal in the Philippines. The Revised Penal Code (Act No. 3815, Article 256-259) defines the various ways and means by which abortion is committed, by whom, and their corresponding penalties: reclusion temporal, prison mayor, and prision correccional .

The penalties cover:

any one who causes intentional abortion by using violence on the person of the pregnant woman; or, if he acts without violence, acts without the consent of the woman;
any person who causes unintentional abortion by violence;
abortion practiced by the woman herself or by her parents;
abortion practiced by a physician or midwife dispensing of abortive;
any pharmacist who, without the proper prescription from a physician, dispenses of abortive.
While it makes abortion punishable, the law has been hard to apply because no aggrieved party or complainant comes to the courts to file a criminal case on an abortion.

But just because the law is hardly applied does not mean that crime is less offensive. It only indicates that the right to life of the unborn is an issue that Philippine society, in general, has refused to confront.

excerpt from: Pro-Life Philippines
Amelia Clapiz
Magpatuloy →

Followers

Mabuhay! Welcome to "Mga Tagalog na Tula sa Pilipinas | Filipino Poems in the Philippines! Here in this blog, you will find a collection of original tagalog poems. Please, feel free to browse at our archive. Thank you! -avonadarna

Blog Archive