Tula Tungkol sa Wikang Filipino

Halimbawa ng Tula sa Buwan ng Wika

Ang Wikang Filipino ay matatag na hukbo ng sandatahan laban sa anumang uri ng pananakop.Lakas din ng ating pagiging isang bansa at ng ating pagka-Filipino...

Buwan ng Wikang Pambansa
Image from:  Knowledge Channel Facebook Page

Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Filipino
ni: Avon Adarna

Ang wika ay apoy – nagbibigay-init,
Sa sanggol na hulog ng anghel sa langit,
Ang inang kumalong at siglang umawit,
Wikang Filipino ang siyang ginamit.

Ang wika ay tubig - na nagpapaputi,
Ng pusong may sala at bahid ng dumi,
Manalangin lamang at saka magsisi,
At patatawarin ng Poong mabuti!

Ang wika ay hangin – siyang bumubuhay,
Sa patid na hinga ng kulturang patay,
Ito’y nagbibigay ng siglang mahusay,
Sa mga tradisyon at pagtatagumpay.

Ang wika ay bato - na siyang tuntungan,
Nitong mga paa ng mahal na bayan,
Wika ay sandigan nitong kasarinlan,
Sa bundok o burol, maging kapatagan.

May alab ng apoy at lakas ng bato,
At kinang ng tubig na wari ay ginto,
Wikang Filipino’y matatag na hukbo
Na lakas ng iyong pagka-Filipino!

-mga tagalog na tula 

Kahulugan ng mga Salita:

kasarinlan – kalayaan, independensiya, pagsasarili, kakaniyahan, kakayahang mag-isa. Kadalasang ginagamit sa estado ng isang bansa na nasakop ng ibang bansa katulad ng Pilipinas.

Halimbawa:
• Tunay nga bang natamo na ng ating bansa ang kasarinlan mula sa mga mananakop?
• Ang tagalog na tula na kanyang ginawa ay bunga lamang ng kasarinlan ng kanyang isip at damdamin laban sa kanyang mga magulang.
• Dalisay ang kasarinlan ng ating wika kung ito ay hindi nangangailangan ng hiram na salita.

Iba pang Tula tungkol sa Wikang Filipino:

• Palakasin Mo - Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino
• Ano Ito? - Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas
Ang Teknolohiya at ang Wikang Filipino

13 comments:

  1. pwede pagamit nito..

    ReplyDelete
  2. pede po pagamit nung last na stanza????hehehe

    ReplyDelete
  3. pwede pagamit po nung last stanza???:D

    ReplyDelete
  4. Pahiram ng ilang kataga ha, para kasi sa t-shirt namin sa SAMAFIL :) SALAMAT!

    ReplyDelete
  5. Pwede pahiram ng ilang kataga? Para kasi sa t-shirt namin sa SAMAFIL :) SALAMAT!

    ReplyDelete
  6. maaari po bang mahiram at makopya ang tula para sa bigksan ng aking mga mag-aaral sa ika-anim na baytang.

    ReplyDelete
  7. pagamit po ng ilang stanza ha thx :)

    ReplyDelete
  8. Salamat sa nag post ng tulang ito...hihingin ko po ang permiso ng gumawa na gagamitin namin tong entry para sa sabayang pagbigkas contest namin sa school, within the school contest lang po. Salamat! :))

    ReplyDelete
  9. ..humihingi po ako ng permiso sa gumawa ng tulang ito upang magamit na entry within the school lang po..tnx..

    ReplyDelete
  10. Pagamit po ng ilang stanza, iaacknowledge nalang po namin yung site and yung author ng tula :)

    ReplyDelete

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Pages